Masarap Magtrabaho sa Pandayan

Masarap Magtrabaho sa Pandayan

Mula sa aral na aking napupulot sa ating tindahan, isa talaga sa tumatak sa aking isipan ang mag-impok para kapag may kailangan ay merong huhugutin. Mula sa aking mga incentive ay akin itong itinatabi at iniipon para kapag may gusto akong bilhin ay meron ding huhugutin. Simula nang magkaroon ako ng bahay, naging pangarap ko rin ngayong taon ang makapagpundar ng mga gamit sa aming tahanan. Kay sarap magtrabaho lalo na kung nakikita mo na meron kang naipupundar mula sa pinagpawisan mo. Natutuwa ako sa aking sarili. Kahit minsan ay sinasabing kuripot ako sa aking sarili, pero hindi nila alam na kontrolado ko lang talaga ang mga needs and wants ko sa aking pamumuhay at talagang itinatabi ko lang sa mas maayos na paraan ang pera na aking kinikita.